Monday, May 26, 2014

Ang TULA ni Aileen Ines


nung elementari lagi kong gawi
sa sasahan sa libsukan maninima maninihi
tapos ay gagat-an ng malapot may maanghang na sili
kami ni kuya ay laging nagpapain at nanlalakaya
at doon sa kangking kamiy nagsasara
huli namiy bakuli, malaway at may padyawan pa
isisig_ang sahog ay luya at pipig-an ng kidya
lagi akong kumakanta sa harap ng electric fan
at sinisipsip ko bulaklak ng santan
ngipin koy ginagawang pantasa
laway ko namay aking pambura
parisukit, kurimbot, katmon, liputi at tagbak
pusupusuan. limuran paburito kong lahat
punaw, kasag, pupukan, barilit, kalakasak
tinuto, ginataang busaing, sinantol bahaw ang katapat.
pag araw ng Linggo akoy excited
sa DZJO Pusong Bata laging present
Pag natalo akoy may isang boteng toyo
pag panalo may premyong one hundred.
sip-unin man ako dito sa Infanta
kahit man mahirap nakey masaya
saan man maglaog di kalilimutan
kairguhan, kabutugan, hane nga? kata na!
more powers sa Irguhan nga tayo sa wikang infantahin.
ni: Aileen Ines

No comments:

Post a Comment